Abante Tonite Interactive

Politiko PG ang turing sa mahihirap

0 223

Lumabas ang pagiging matapobre ng isang kilalang politiko sa bansa matapos ituring na PG o patay-gutom ang mga taong mahihirap na nagsisilbi sa kanya.

Minsan kasi ay umakyat ng Baguio City ang politiko bitbit ang kanyang mga alipores.

Nag-stay raw ang politiko sa kanyang mansyon pero ang mga alipores ay tinambak sa lumang bahay na walang heater ang tubig.

Kinaumagahan, hindi pa man nag-aalmusal ang mga alipores ay pinatawag agad sila ng politiko sa mansyon.

Akala ng mga alipores ay lalakad na sila pero inabot sila ng dalawang oras na nakabilad sa araw.

Dito nila naisipang kumain pero saktong buma­ba ang politiko at nagtatalak sa mga tao kung bakit kumakain sila nang oras na iyon.

Clue: Ang politiko na tinuturing na PG ang naninilbihan sa kanya ay makulay kung manamit. May letrang L sa kanyang apelyido.