Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Politiko pintasero sa kalaban

0 188

Masipag mag-ikot sa iba-ibang probinsiya ang isang politikong nakikipagsuntukan sa buwan para maipanalo ang kanyang laban.

Mataas ang pangarap ng politiko.

Kinakakakitaan naman siya ng sinseridad ng mga kababayan natin sa kanyang pagsasalita, madalas lang siyang napipintasan, dahil hindi natatapos ang kanyang paglilitanya nang hindi siya mamimintas ng kanyang mga kapwa politiko.

Kuwento ng aming source, “Kung tatanggalin niya ang pagiging tactless niya, e, maayos na sana ang kartada niya. Kaso, ewan kung bakit kinakati palagi ang dila niya sa kapipintas sa mga kalaban niya!

“Patapos na siyang magsalita, pababa na siya sa stage, pero bigla pa rin niyang maaalala ang pamimintas sa mga katunggali niyang politicians!” unang pagpansin ng aming impormante.

Ayaw ring mamatay-matay ng kuwento na nu’ng kumandidato sa mas mababang posisyon ang male politician ay napakalaki ng kinita niya. Panalo na siya sa boto, sabi ng mga nakakakilala sa kanya, ay panalung-panalo pa siya sa datung.

Patuloy ng aming source, “’Yon ang pinagkukuwentuhan kahit saan, napakarami palang tumayang Chinese nu’ng kumandidato siya, pero ang tanong, ginamit ba niya sa eleksiyon ang mga kadatungang napasakamay niya?

“Sabi ng mismong mga kaalyado niya dati, e, one third lang yata ng total amount ang inilabas niya, baka nga wala pa, at ibinulsa na ng politiko ang mga donasyon sa partido niya!

“’Yon kuno ang inilalabas niya ngayon sa malaking laban na hinaharap niya, ‘yon ang ipinamumudmod niya! Pero isa lang ang comment ng mga nakakaalam ng lihim niya, maoolat siya sa darating na halalan!

“’Yong sinasabing ginetlak niyang kadatungan mula sa mga sponsors mauubos din daw ‘yon at matatalo pa siya! Kasi nga, kapag kinuha mo raw ang isang bagay nang patago, gabi pa lang, e, nakasapatos na ang datung pababa sa hagdan!” madiin pang komento ng aming impormante.

Ganu’ng kuda nang kuda ang male politician ay wala namang sumasagot sa kanya, hindi siya pinapansin ng mga sinisiraan niya, sayang lang daw ang kanilang oras.

“Masakit ‘yon! Nanggagalaiti na siya sa paninira sa mga kalaban niya, e, hindi man lang siya sinasagot! Ano ‘yon, para lang siyang multong nagsasalita? Ang sakit!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

-o0o-
Angel pinahamak ng aktres- TV host

Ipinahamak ni Kris Aquino si Angel Locsin. Ang aktres na matagal na panahon nang tumutulong nang tahimik lang ay ipinagmakaingay ni Kris na nagbigay nang dalawang milyong piso sa opisina ni VP Leni Robredo bilang tulong sa mga kababayan nating sinalanta ng bagyo sa Katimugan.

Komento ng iba ay tinanggalan ng indulhensiya ni Kris ang nakasanayan nang tahimik na pagtulong ni Angel. Dapat daw ay hindi nanguna si Kris sa ibinigay na ayuda ni Angel.

Pero isiniwalat man o hindi ni Kris ang personal na pagtulong ni Angel ay todo ang papuri ng ating mga kababayan kay Angel.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Look at Angel, wala siyang ginagawang project ngayon, pero heto, siya pa ang nangunang magbigay ng tulong sa mga binagyo.

“’Yon na kasi si Angel, she has a pure heart, hindi talaga siya makpapayag na hindi makatulong dahil ‘yon na ang naturalesa niya,” papuri sa aktres ni prop.

Nu’ng tutukan namin ang house tour nila ni Neil Arce ay may isang bahaging sumuntok sa aming kamalayan. Napakaganda ng kanilang bahay, kumpleto, may mga tirahan din ang kanilang mga alagang aso.

Sabi ni Neil, “Nagulat ako, kailangang may sariling bahay rin daw ang mga walis niya at iba pang mga kagamitang panglinis. Oo nga naman, kung ang mga aso, e, may bahay, dapat, meron din ang mga walis niya!”

Tuwang-tuwang binuksan ni Angel ang isang cabinet. Nandu’n ang mga walis niyang maayos na nakasabit. Simple, pero mapuso, napakaparehas niya sa buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.