Abante Tonite Interactive

Politiko purnada ang junket

1,305

Bad trip daw ang isang miyembro ng Lower House sa paglaganap ng coronavirus dahil nakansela ang biyahe nito sa abroad.

Pagkakataon sana ni congressman na magliwaliw gamit ang pera ng gobyerno pero dahil sa coronavirus outbreak ay nabulilyaso ito.

Ito rin sana ang pagkakataon ni cong na makatikim ng imported na babae dahil tila nagsawa na ito sa mga Pinay.

Dahil purnada ang biyahe, hindi­ rin makukubra ng mambabatas ang pinangakong pamba­on sa biyahe.

Siyempre, saan nga ba kukunin ni cong ang pambaon kundi sa ilang negosyante na pinoprotektahan nito.

Clue. Ang politiko na bad trip sa purnadang biyahe sa abroad ay may letrang A sa kanyang pangalan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad