Abante Tonite Interactive

Politiko sapul ng China travel ban

482

Malungkot daw ang isang politiko sa pinatupad na travel ban sa China dahil hindi na rin ito makakapunta sa Hong Kong at Macau.

Madalas kasing bumiyahe sa Hong Kong at Macau ang politiko kaya dinamdam ang pinatupad na travel ban bunsod ng pagkalat ng novel coronavirus.

Bukod kasi sa mga binibisitang casino sa Macau, pinapas­yal din nito sa labas ng Pilipinas ang kanyang kabit.

Mahaba-habang panahon din na magtitiyaga sa ‘Pinas ang politiko habang hindi pa humuhupa ang banta ng nakamamatay na virus mula sa China.

Clue: Ang politiko na malungkot sa pinatupad na travel ban sa China ay mula sa malayong lalawigan at guwapo.