Abante Tonite Interactive

Politiko siniraan ang kadugo

By
579

tonite-no-thanks-cristy-ferminNangangamoy pulitika na nga ang kapaligiran. Ngayon pa lang ay nagsisimula na ang mga parinigan, ang mga pintasan, ang mga siraan.

Kakambal na ng mundo ng pulitika ang mga ganu’n, para lang manalo sa laban ay gagawin ang lahat, kahit pa magkakadugo ang magkakatunggali.

Ganu’n mismo ang nagaganap ngayon sa pagitan ng dalawang pulitikong makikita natin isang araw na nag­lalambing ng boto sa ating kababayan.

Kuwento ng aming source, “Sobra kasi ang pagka-insecure ni Politician A kay Politician B. Buong akala kasi niya, e, hindi na makakatakbo si Politician B, pero nagkaroon ng milagro.

“Ngayon, pareho silang tatakbo sa mataas na position, feeling ni Politician A, masosolo na niya ang laban dahil hindi makatatakbo ang pulitikong hindi pa naman iba sa kanya.

“Iisa ang pinanggali­ngan nilang pamilya, pero kung parunggitan ni Politician A ang kanyang kadugo, e, ganu’n na lang! Lalong nabuwisit si Politician A nu’ng malaman niyang inendorso pa pala ng pinakaulo ng partido nila si Politician B!

“Ang tindi nga naman nu’n, napakala­king advantage ‘yun para kay Politician B, kaya ngayon pa lang, e, kung ano-anong paninira na ang ginagawa niya!” u­nang kuwento ng a­ming source.

Matagal nang kontra-pelo ang dalawang pulitiko, malaki kasi ang inggit at insekuridad ni Politician A kay Politician B, mas naunang naging matagumpay na lingkod-bayan ang huli.

Huling sultada ng aming impormante, “Sorry na lang kay Politician A, very charismatic kasi ang dating ni Politician B, hindi katulad niya na parang kon­trabida. Sa kahit anong anggulo sila tingnan, e, pambida si Politician B, pang-character actor naman si Politician A.”

 

Sharon hindi pa laos

 

Hindi na kaila­ngang regaluhan pa ni Kris Aquino si Sharon Cuneta dahil sa mga papuring ipinost ng Megastar tungkol sa kanya. ‘Yung mangga­ling lang kay Sharon ang magagandang salita ay sobra pa sa sapat para sa aktres-TV host.

Nu’ng isang gabi, sa umpukan ng mga manunulat, ay naging paksa sina Kris at Sharon. Nagkakaisa kami sa pag-oopinyon na walang-walang insekuridad ang Megastar sa kahit sinong artista.

Sigurado na si Sharon sa kanyang posis­yon, anuman ang sabihin ng iba ay Megastar na siyang hindi mabibilang ang napatunayan na sa kanyang career, sa pagiging singer man o artista.

Magpakawala man siya ng papuri tungkol sa isang persona­lidad ay sinsero ‘yun, walang halong kaplastikan, nangga­galing sa puso ang kanyang mga salita.

Ano pa ba naman ang kailangang patunayan ni Sharon? Nagkawalaan na ang kanyang mga kakontemporaryo pero nandito pa rin siya at patuloy na nagpapakita ng kanyang mga kata­ngian sa buong bayan.

Sa mga nagsasabing laos na si Sharon ay mahiya naman sila, namamayagpag pa rin ang Megastar, matatag pa rin ang kanyang posis­yon magpahanggang ngayon.

Maiba lang kami, ngayon lang namin nakitang sumayaw ang Megastar. Napakalambot pala ng kanyang katawan, graceful siyang gu­malaw, at hindi siya nahuhuli sa uso.

At napakalaki na rin ng nahulog sa kanyang timbang, kita na ang kanyang bewang, ang nagagawa nga naman ng disiplina. Ilang panahon pa, kapag ipinagpatuloy ni Sharon ang disiplina, ay mas gagaan pa ang kanyang pakiramdam.