Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Politiko sobrang ‘baho’ sa anak

0 111

Naiintindihan agad ng publiko kung ang maninira sa politiko ay mismong kalaban niya. Kahit pa makihalo ang mga tagasuporta ng politikong bumibira ay mas madali pa ring maunawaan.

Ang nakakalungkot ay kapag mismong kadugo pa ng politiko ang maninira sa kanya, ang magbubunyag sa ating mga kababayan kung ano ang tunay na pagkatao ng politiko, sobrang nakakalungkot ang ganu’n.

Kuwento ng aming source, “’Yon mismo ang nangyari sa isang politikong babae na mismong anak niya ang nanira sa kanya. Okey lang sana kung ibang tao ang nanira, natural lang ang ganu’n sa mundo ng politika, pero ‘yong mismong anak niya ang maninira sa kanya?

“Nakakakilabot ang ganu’n! Hindi na lang sila nag-usap nang personal, hindi na lang nila inayos ang problema nang hindi alam ng taumbayan, nakakakilabot ang ginawang ‘yon ng anak ng female politician!” unang nakataas ang kilay na komento ng aming impormante.

Kinilabutan sa nangyari ang mga tagasuporta ng politiko, matindi nga naman ang pagsusulong ng mga ito sa pangalan ng kanilang minamanok, pero mismong anak pa pala niya ang sisira sa kanyang pagkatao.

Patuloy ng aming source, “Sabi ng mga nakakakilala sa politician, e, wala na raw kasing oras ang politician para sa family niya, kaya ayun, napabayaan na niya pati ang mga anak niya!

“Masyado na raw inubos ng politiko ang panahon niya sa mga ambisyon niya, kontrang-kontra na pala du’n ang mga anak niya, pero hindi pa rin siya tumigil sa mga ambisyon niya.

“Nakakalungkot naman ang ganu’n senaryo, ang bango-bango ng name ng politician sa mga kababayan natin, pero sobrang baho naman pala para sa anak niya!

“Lahat ng pangontra sa magandang pangalan ng mother niya, ‘yon ang isinisigaw ng anak! Ano ba namang nag-away na lang sila sa mismong bahay nila, ‘yong sila-sila lang ang nandu’n, di wala na sanang lumabas?

“Ewan! Matatalino pa naman ang mga anak nu’ng politician, nag-aral pa sila sa iba-ibang bansa, pero anyare? Bakit ganu’n naman pala ang pagkakilala nu’ng anak sa mother niya?

“Kung kinayang magtagumpay ng politician sa pangarap niyang magandang kapaligiran para sa buong bansa natin, e, nabigo naman siya sa mismong anak niya!

“Haaaay, nakakalungkot. Nakakahiya ang ginawang ‘yon ng anak sa mismong Nanay niya! Kontrang-kontra ‘yon sa kinalakihang ugali ng mga Pinoy!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Lolit kay Ai Ai: Laos ka na

Talagang walang nakaliligtas na relasyon nang dahil sa politika. Magkakapamilya. Magkakaibigan. Magkakanegosyo. Pati ang magnininang.

Pati sina Manay Lolit at Comedy Concert Queen Ai-Ai delas Alas ay nagkakabanggaan ngayon nang dahil sa politika. Tinanggap ni Ai-Ai ang political satire ng kalaban ni Mayor Joy Belmonte sa pamumuno sa Quezon City, matalik na kaibigan naman ni Manay Lolit ang pamilya Belmonte, ‘yon ang dahilan.

Ninang sa kasal ni Ai-Ai ang manunulat-manager-TV host, maganda ang kanilang relasyon, hanggang sa dumating na nga ang halalan 2022.

Sa pagdedepensa ni Manay Lolit sa masipag na mayor ng Quezon City ay sinabi tuloy nito, “Laos ka na, dapat, mabait ka na. Nasa ibaba ka na, e!”

Ayon naman sa komedyana ay wala itong sinabing anumang nakasasakit sa mayora ng Kyusi, ang pinaka-content lang ng political satire ay ayaw na nitong maging mayor, hanggang du’n lang.

Alam naming pagkatapos ng eleksiyon ay magkakausap din ang magninang, pagtatawanan na lang nilang dalawa ang nangyari, dahil ang mananaig pa rin ay ang kanilang pagnininang.

Pero kahit ilan pang materyales ang gawin ng kahit sinong kalaban ni Mayor Joy Belmonte ay hindi sasapat. Nakapamuhunan na ng magandang serbisyo sa malawak na lunsod ang mayora.

Hanggang sa pambabato na lang ang magagawa ng mga kalaban ng alkalde, pero ang mga batong ipupukol laban sa kanya ay babalik din sa mukha ng mga naninira, ‘yon lang ‘yon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.