Abante Tonite Interactive

Politiko takot matabihan ng sexy

699

Lagare noong nakaraang kampanya itong politiko sa Metro Manila upang maipanalo ang kanyang misis na tumatakbo.

Lahat ng mga residente ng kanyang nasasakupan ay nakadaupang-palad ng politiko at tambak din ang pagpapakuha sa kanya ng larawan.

Pero nang malagay sa social media ang larawan niya na may katabing seksi, aba’y agad na nagpanik itong si politiko.

Gusto yatang ipabura ng politiko ang larawan nila ng seksing babae dahil baka makarating pa ito sa kanyang misis at maghinala ito.

Napabura naman daw ng politiko ang selfie nila ni sexy bago pa man ito makita ni misis sa Facebook.

Clue. Ang politiko na takot maging viral ang s­elfie sa sexy ay guwapo. May letrang M sa kanyang pangalan as in M­isis niya ang hari ng bahay.