Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Politiko talo sa eleksyon, panalo sa datung

0 170

Parang nakagugulat at parang mahirap intindihin kung paanong natalo sa eleksiyon ang isang kilalang politiko pero panalo pa rin siya kung tutuusin.

Namuhunan ang politiko, naglabas siya ng salapi, pero kapag ginamitan kuno ng calculator ang nahawakan niyang pera ay panalung-panalo pa rin siya sa bandang huli.

Madyikero ba ang politiko? Naglabas siya ng puhunan sa laban, natalo siya, pero winner pa rin siya? Ganu’n ang umiikot na kuwento tungkol sa isang kilalang politikong lumaban pero natalo.

Kuwento ng aming source, “Walang ibang sinasabi ang mga nakakakilala sa politician na ‘yon kundi natalo man siya, e, super-panalo pa rin! Hindi siya malungkot, happy siya!

“Magaling naman pala kasing magmaniobra ng kanyang budget ang kilalang politician na ‘yon! Kapag may nagbigay ng donasyong piso, e, kalahati lang ang inilalabas niya!

“Nakasubi na agad ang kalahati, hindi na puwedeng galawin ‘yon, kahit ano pa ang mangyari!” unang hirit ng aming impormante.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagkatapos niyang mag-ingay nang todo at awayin ang lahat ng mga kakumpetensiya niya ay biglang tahimik na tahimik ngayon ang nasabing politiko. Wala man lang tayong naririnig mula sa kanya.

Patuloy ng aming source, “Ano nga ang maririnig natin mula sa kanya, e, masaya naman siya ngayon? Kung ano ang ikinaingay niya nu’n, e, siya namang ikinatahimik niya ngayon!

“Hindi na siya maghihirap, malayo nang mangyari ‘yon, para na siyang nanalo nang ilampung beses sa lotto! Bakit pa nga naman siya magrereklamo sa pagkatalo niya, e, panalo na nga siya, di ba?

“Kilala siya ng mga kasamahan niya, kahit ang mga eskimo, kaya niyang bentahan ng yelo, sa totoo lang! ‘Yong malalaking tulay ngayon? Kaya niyang ibenta ‘yon nang kahit walang dokumento!

“Ganu’n siya kagaling, ganu’n kaganda ang sales talk niya, napakatamis ng dila ng politikong ‘yon, sa totoo lang! Mag-abang lang tayo. Isang araw, malalaman na lang natin na nakabili na naman siya ng bahay sa pinakamahal na subdivision!

“Ang galing-galing talaga niya, wala nang mas gagaling pa sa kanya, kaya kahit pa nangulelat siya sa laban, nagpa-party pa rin siya sa pananalo!” natatawang-napapailing na pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.