Abante Tonite Interactive

Politiko tiklo sa planong pagtakas

652

Mahilig daw itong isang beteranong politiko na tumakas sa mga event lalo na kung may mga bisitang hindi niya kasundo.

Ito daw ang gustong gawin ulit ng politiko nang dumalaw sa misa ng isang namayapang political figure.

Nang patapos na ang misa, palihim daw na tumungo ng parking lot ang politiko pero nakita siya ng punong abala at tinawag upang magsalita.

Walang nagawa ang politiko kundi sumunod sa pakiusap sa kanya ng punong abala at kausapin ang bisitang hindi niya nakasundo ng ilang taon.

Namula raw ang mukha ng politiko at tila hindi mapakali sa babaeng umokray sa kanya ng ilang taon. Mabuti na lamang at inabot lang ng ilang minuto ang eksenang ito at nakauwi rin ang politiko.

Clue. Ang politiko na nahuli sa planong pagtakas sa event ay natalo sa nakaraang halalan. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mayaman