Abante Tonite Interactive

Politiko tumikim ng K-pop girl, inatake

1,323

Muntik nang paglamayan ang isang maimpluwensiyang politiko sa bansa dahil sa pagtikim nito sa magandang Koreana na miyembro ng sikat na K-pop group.

Bumisita kasi sa bansa ang sikat na K-pop group at itong matandang politiko ay ginamit ang impluwensiya para mai-date ang isang miyembro ng grupo.

Sa madaling salita, natikman ng politiko itong kimchi este Koreana na mala-labanos ang kutis, makatulo-laway ang halimuyak at makalaglag brief ang kagandahan.

Pero dahil sa katandaan ng politiko, hindi kinaya ang sobrang excitement sa natikman na imported na putahe kaya inatake.

Akala tuloy ng mga anak at ibang miyembro ng pamilya, matotodas ang politiko kaya pinagawa ng last will and testament.

Pero naka-recover ang nagmumurang kamatis na politiko, kaya ibinihay niya ang K-pop girl sa Tagaytay at Corinthians sa loob ng isang buwan.

Bumili rin siya ng mamahaling sasakyan sa Koreana na puwedeng mag-start gamit ang cellphone.

Clue: Ang politiko ay mahilig sa pang-beauty queen na na kaganda­han at may
letrang T sa kanyang pangalan as in Tigasin sa kanilang lalawigan.