Abante Tonite Interactive

Politiko utak ng death threat kay Bersamin

212

Naniniwala si da­ting Chief Justice Lucas Bersamin na galing sa isang pamilya ng politiko ang mga natatanggap niyang pagbabanta sa kanyang buhay mula nang magretiro sa Supreme Court (SC).

Inihayag ito ng retiradong punong mahistrado matapos lumabas ang ulat na pina-blotter nito sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit noong Lunes ang death threat sa kanya.

Kabilang dito ang napansin umano nila ng kanyang mga security escort na may bumubuntot sa kanilang sasakyan habang nasa Commonwealth Avenue, Quezon City. Nakatanggap din umano siya ng tawag sa telepono mula sa hindi mga kila­lang indibidwal na nagbabanta sa kanya ilang araw matapos niyang magretiro sa SC.

Ayon kay Bersamin, nakaranas na siya ng katulad na senaryo noon at alam na rin umano niya kung ano ang gagawin.

Kinumpirma naman ni SC Public Information Office chief Brian Keith Hosaka ang death threat kay Bersamin at sinabing dinagdagan na nila ang security para sa dating punong ma­histrado.

“I guess coming from a political family, they have encountered this scenario before and they would know how to handle it,” ani Hosaka.(Nancy Carvajal/Juliet de Loza-Cudia)