Abante Tonite Interactive

Politiko walang originality

469

Sinakyan ng isang politiko ang kasikatan ng isang television personality matapos itong maging viral sa social media.

Naispatan kasi ang dalagang showbiz personality na kasama ang binatang lokal na opisyal ng gobyerno kaya’t nabuo ang isang love team.

Ito namang talunang politiko, aba’y gustong sumakay sa ginawa ng politiko nang yayain ang da­laga na samahan siya sa panonood ng laro sa SEA Games.
Ayaw namang mamahiya ng dalaga kaya’t kumasa ito sa paanyaya sa paniniwalang nagbibiro lamang ang talunang politiko para lang mapag-usapan din siya sa social media.

Clue. Ang politiko na gaya-gaya at walang originality ay mahilig sa road trip at may letrang E sa kabuuan ng kanyang pangalan.