Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Politikong kontra LGBT ‘di iboboto – grupo

0 62

Nagbabala ang ilang mga lesbian, gay, bisexual, transgender, intersex at questioning (LGBTIQ) group kahapon na hindi nila iboboto ang sino mang kakandidato sa halalan 2022 na nagpakita ng diskriminasyon sa mga miyembro ng nasabing komunidad.

“We are making a stand that we will not support candidates who are known to have homophobic, biphobic, and transphobic views and those who have a track record of being aligned with conservative religious groups that have long been discriminating against LGBTIQ people,” ani Atty. Clara Rita Padilla, executive director ng EnGendeRights.

Sabi naman ni LGBTQ Plus president Reggie Pasion, kailangang bumoto ang mga LGBTIQ+ upang magkaroon ng mga lider sa gobyerno na isasaalang-alang ang kanilang karapatan.

“Politicians using religion to marginalize the LGBTIQ+ community such as Senators Manny Pacquiao, Joel Villanueva and Tito Sotto and those who remain silent on LGBTIQ rights don’t deserve to be elected,” dagdag niya. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.