Abante Tonite Interactive

Politikong macho may daga sa dibdib

1,570

Sagana raw sa porma itong lokal na opisyal ng gobyerno.

Hindi kasi nawawala sa schedule ng politiko ang pagpapalaki ng kanyang masel sa gym.

Gusto siguro ng kumag na maging macho sa paningin ng mga tao.
Subalit nasubukan ang kanyang tapang matapos magkaroon ng gulo sa kanyang nasasakupan.

Wala raw ginawa ang politiko kundi magpa-interview lang sa media at pinabayaan ang mga pulis na umayos ng gulo

Napaghalata tuloy ng mga usisero na parang may daga sa dibdib ng politiko dahil sa hindi nito hinarap ang taong gumawa ng gulo sa kanyang nasasakupan.

Clue: Ang machong politiko na may daga sa dibdib ay sangkatutak ang bodyguard at may let­rang M sa kanyang apelyido.

Tonite – Wendys Inhouse Ad