Abante Tonite Interactive

Politikong nangampanya bitbit ang kabit

722

Minsan pang napatunayan na walang lihim na hindi nabubunyag matapos mabuking ang panga­ngaliwa ng isang politiko sa Hong Kong.

Sumabit lang daw ang politiko sa pangangampanya ng mambabatas sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa HK.

Kinagabihan, bigla na lang nawala ang politiko habang nagdi-dinner ang grupo ng mambabatas sa sikat na restawran sa Kowloon.

Upang mapagpag ang kanilang kinain, naglakad ang tropa ng mambabatas sa Canton Road at hindi nila sukat-akalain na makakasalubong ang politiko na nakaangkla sa estudyante mula sa Maynila.

Binitbit pala ng politiko ang kanyang kabit sa pangangampanya sa HK pero malas lang niya at nabuking siya ng mga kasamahan.

Clue. Hindi masyadong kilala ang politiko pero ang mambabatas ay bigatin ngayon at may letrang A, as in Astig.