Abante Tonite
Mabilis sa Balita

POLO staff sa Jeddah, dedo sa virus

0 319

Namatay ang isang empleyado ng Philippine Labor Office/Overseas Workers Welfare Administration (POLO/OWWA) sa Jeddah, Saudi Arabia matapos tamaan ng COVID-19, ito ang kinumpirma ng tanggapan ng Philippine Consulate sa Jeddah.

Sa ulat ng konsulada, ang POLO staff ay binawian ng buhay noong July 20, 2020.

Pinasailalim naman muna sa self-quarantine ang tatlo sa mga nakasalamuha ng pasyente.

Dahil dito, isinara muna ang konsulada simula July 22 hanggang August 9, 2020.

Tiniyak naman ng tanggapan na magpapatuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng DOLE-AKAP hanggang sa July 23.

Tuloy din ang paghahatid ng cash assistance sa mga tirahan ng mga kwalipkadong OFW. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.