Abante Tonite Interactive

Polo, sumawsaw sa away nina Baron at Kiko

13
Polo Ravales
Polo Ravales

MARAMING mga tao ang napakamot sa ulo at nagtaka kung bakit in full epal mode si Polo Rava­les sa away nina Baron Geisler at Kiko Matos.

Kasi nga, ‘di ba, ina­way rin siya ni Geisler kung saan pati girlfriend, damay.
True? Hindi ito ki­yeme latik?

Ano bang sawsawan ang hinihigop ni Ravales?

Patis na may kalamansi? Sukang may siling pula? Toyomansi na may chili?

Bakit parang ang kiyeme latik niya eh naagrabyado rin siya ni Geisler? Bakit kailangan niyang ilabas ang chikang ito sa kasalukuyan?

Ano ito, para patunayang bad boy si Ba­ron at Team Kiko siya?  Or as we all suspected, dahil gusto niya ring maki-share sa panandaliang media mileage na ibi­nibigay sa dalawang hombreng may hang-over match soon?

Para kay Geisler, hindi ‘to biruan at lalong hindi ito social experiment. Away-lalaki ito.

Si Matos, ang feeling niya eh siya ang nasa tama at kumasa lang siya para sa mga taong natakot kasahan dati si Baron.

Eh si Polo? Siya ‘yung dakilang AKO RIN, so reminiscent of the boldies of yesteryears na ginawang issue na one time in their pubescent lives eh ang kanilang bubot pang pagkababae ay sapilitang inangkin.

Ang dating tuloy ni Polo, kulang na kulang sa pansin.

Gagawin ang lahat huwag lang maging finality the WHO. (ALWIN IGNACIO)