Abante Tonite Interactive

Pomoy biktima ng ‘cooking show’ ni Simon

1,198

Hindi matanggap ng mga fan ng “AGT” finalist na si Marcelito Pomoy na hindi ito ang tinanghal na grand winner ng “America’s Got Talent”. Cooking show umano ang naganap na competition.

Nag-trending sa Twitter ang hashtag na #justiceformarcelito dahil sa hindi patas na judgement umano ng hurado na si Simon Cowell. Sey ng mga netizen, malinaw sa final performance ni Marcelito na deserving siya sa titulo.

May nga nagsabi pa na manipulated umano ang show at predicted na kung sino ang magwawagi.

Sa semi-finals ng kompetisyon, sinabi ni Simon na wala ng sorpresa at dapat pang abangan nang kantahin niya ang “Con Te Partiro”. Kaya naman dapat siyang sumugal sa isang kanta na magpapanalo sa kanya sa grand finals.

Dito na naintriga ang mga netizen na tila cooking show umano ang nagaganap dahil predictable umano ang kantang siya naman mismo ang nagbigay.

Sa grand finals, kinanta ni Pomoy ang “We are the Champions”, subalit bumagsak lamang siya sa ikaapat na puwesto. Ang V Unbeatable ang tinanghal na “AGT” champions. (Rona Ronda)