Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pomoy dating palaboy

0 175

Tuluy-tuloy ang pagpapagawa ng bahay ni Marcelito Pomoy para sa mga kababayan nating nangangailangan.

Wika niya, naranasan din niyang maging palaboy kaya kailangan niya ring tumulong ngayon sa tao.

“Kasi na-realize ko, noong bata ako wala rin akong saktong tirahan. Kumbaga,isa rin akong palaboy, kung saan-saan ako nakatira. Kaya kapag (naalala)ko ang nakaraan, hindi ko maipaliwanag, kailangan kong tumulong sa tao. Para maiparamdam ko man lang kung ano ang narating ko ngayon ay maibalik ko sa kanila,” wika ni Pomoy sa “Magandang Buhay.”

Samantala, nalaman ni Marcelito sa Facebook ang lagay ni lola Aurora Verona. Namumuhay itong mag-isa. Dahil dito, naisipan niyang pagawan ang huli ng maliit na kubo gawa sa kawayan at pawid.

“Yung bahay ni nanay kasi ‘yan ang una. Pero ngayon may ginawa kami halos pangatlo na, may pang-apat pa na ginawa namin,” sey pa niya. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.