Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pondo sa balik-eskuwela pinamamadali

0 61

Iginiit ng Kabataan party-list na madaliin ang pagpapatibay ng pondo para sa ligtas na balik-eskuwela.

Naniniwala ang grupo na sa pamamagtan lamang nito matutugunan ang kinakaharap na krisis sa edukasyon at ekonomiya ng bansa.

Sa ilalim ng Kabataan Safe School Reopening Bill o House Bill 10398, tinatayang nasa P184 bilyon umano ang kailangan upang maisakatuparan ang isang ligtas na muling pagbubukas ng mga eskuwelahan sa buong bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasabay nito, hiniling ng grupo na dapat magkaroon pa rin ng hiwalay na medical fund matapos na ipawalang bisa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang unang itinakdang requirement para sa mga kolehiyo na magkaroon ng PhilHealth o anumang medical insurance bago payagan sa face-to-face classes.

Bagama’t pinawalang bisa umano ang insurance kailangan pa rin ito ng mga estuydante dahil pa rin sa panganib na dulot ng COVID-19 kahit sa mga lugar na isinailalim sa alert level 1. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.