Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pondo sa barangay development program aprub na

0 100

NAKAHANDA ng ipalabas ang pondong P16.4 billion para sa Barangay Development Program (BDP), ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Ito ay matapos lagdaan ni Sec. Wendel Avisado, ang Local Budget Circular No. 135, na magsisilbing gabay sa pagpapalabas ng NTF-ELCAC’s Local Government Support to the Barangay Development Program (LGSF-SBDP).

Ikinatuwa ni National Security Adviser and National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman Hermogenes Esperon Jr. ang pag-apruba ng pondo na ang layunin ay solusyunan ang hirap sa mga barangay na napasailalim ng impluwensiya ng New People’s Army.

Ang P16.4 billion ay bahagi ng P4.5-trillion 2021 national budget.

Ayon kay Esperon, aabot sa 822 barangays sa buong bansa, na ngayon ay wala ng banta ng NPA, ang makakatanggap ng tig-P20M ng iba’t ibang proyekto sa ilalim ng BDP.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The BDP is the flagship program of the Duterte administration for poverty alleviation and development in the context of addressing the root causes of insurgency,” ani Esperon. Si President Rodrigo Duterte ang chairman ng NTF-ELCAC.

Sinabi pa ni Esperon na habang ang layunin ng NTF-ELCAC ay wakasan ang pmumuno ng NPA sa mga naturang barangay, nilalayon din nitong pagbutihan ang pamumuhay ng mga tao.

Sa Davao Region, aabot sa P4.3 billion ang alokasyon para sa 279 barangays.

Base sa guidelines na pinalabas, maaaring gamitin ng mga barangay ang pondo sa mga proyekto gaya ng farm-to-market roads, school buildings, water and sanitation systems, rural electrification, housing; medical, burial, transportation, food, cash-for-work and educational assistance para sa mga mahihirap.

Maaari din itong magamit sa mga proyekto para hindi lumaganap ang COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.