Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pondo sa edukasyon huwag tapyasan

0 51

Umapela sa mga mambabatas si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na huwag tapyasan ang budget na nakalaan sa edukasyon, para masigurong hindi maging kulelat ang edukasyon ng mga kabataan sa bansa.

Iginiit ni Marcos na mahalaga ang edukasyon sa paglago at pag-unlad ng bansa kaya nararapat lamang na hindi matapyasan ang pondo na nakalaan para rito.

HIniling ito ni Marcos matapos umanong tapyasan ang pondo na nakalaan sa edukasyon sa budget deliberation sa kongreso.

Paano uunlad ang ating bansa kung hindi maayos ang ating edukasyon dahil ang mga institusyong nangangasiwa nito ay hindi makapag-operate ng maayos dahil sa kakulangan sa budget?” tanong ni Marcos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa ulat, tinapyasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget ng Department og Education at mga attached agencies nito sa National Expenditure Program na isinumite nila sa Kongreso.

Ipinunto ni Marcos na nauna nang hiniling ng Commission on Higher Education (CHED) ang P62.3 bilyon na pondo pero ibinaba ito sa P52.6 bilyon lamang o aabot sa P9.6 bilyon ang natapyas sa pondo.

Iginiit pa ni Marcos na maraming maapektuhan kapag natapyas ang budget ng edukasyon kaya nananawagan siya sa mga mambabatas na agad ibalik ang tinapyas na pondo.

Education is a very important weapon towards economic recovery in the face of the challenges posed by the Covid pandemic. Kailangang siguraduhing may bala ang mga ahensyang nangangasiwa nito para muling tayong makabangon,” ani Marcos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.