Abante Tonite Interactive

Pondo sa libreng tuition fee sa SUCs taun-taon tiniyak

92

Sisiguraduhin ni Senador Loren Legarda na mapopondohan taun-taon ang para sa libreng tuition fee ng mga mag-aaral sa mga State Universities and Colleges (SUCs) kabilang ang University of the Philippines (UP).

Magugunitang sa pinagtibay na 2017 proposed budget, nakapaloob ang P8.3 budget para sa libreng tuition fee sa mga mag-aaral na naka-enroll sa mga SUCs.

Ayon kay Legarda, habang siya ang chair ng finance committee ay titiyakin niyang mabibigyan ng pondo taun-taon ang para sa matrikula ng mga mag-aaral ng SUCs.

“Gagawin ko ito sa 2018, 2019 habang ako ng chair ng finance,” ayon kay Legarda.

Si Legarda ang dumipensa sa 2017 proposed budget.

Dagdag ng senadora, kinausap na rin umano niya si Senador Bam Aquino na chairman ng Education, Cultre and Arts para maghain ng panukalang batas upang gawing permanente ang paglalaan ng pondo para sa libreng tuition fee ng mga estudyante sa mga SUCS.