Abante Tonite Interactive

Pondo sa mga probinsya itodo

251

Hinimok ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang dalawang kapulungan ng Kongreso na siguruhin na mas malaki ang ilalaang pondo sa mahihirap na rehiyon at probinsya.

Ang apela ng solon ay bunsod ng mabagal na paglago ng bansa sa naitalang 6.2% noong nakaraang taon.

Ayon kay Zarate, sa budget na isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ay makikita na binawasan ang regional allocation para sa Visayas at Mindanao alinsunod sa 2019 National Expenditure Program (NEP).

“A look at Pres. Duterte’s National Expenditure Program shows that he decreased the regional allocation for Visayas from P412 billion in 2018 to P400 billion in 2019. Mindanao got the biggest cut in terms of amount, from P608 billion in 2018 to P585 billion. This is a complete turnaround from his promise du­ring the campaign period. Meanwhile, the regional allocation of NCR increased from P817 billion to P834 billion. We are not saying that the budget for NCR be dec­reased, but that the budget for Visayas and Mindanao be increased,” pagbibigay-diin ni Zarate.

May pagkakataon pa aniya ang Kongreso na asikasuhin ito sa bicameral conference sa Enero 28.

Hinihirit din ng Bayan Muna na magkaroon ng live TV coverage ang bicameral conference meeting para malaman ng mga mamamayan sa bawat rehiyon kung ano ang magiging posisyon ng mga miyembro ng Kongreso sa dagdag na alokasyon ng pondo para sa kani-kanilang rehiyon.