Abante Tonite Interactive

Pong Idusora trip si Regine

By
6,298

Inilunsad kamakailan ng Lodi Records sa pamamahala ni Blank Tape ang single ng Palawan Balladeer na si Pong Idusora. Naganap ang launching sa K.O Bar noong Sabado nang gabi sa may Fairview, Quezon City.

“Di Kita Ipagpapalit” ang titulo ng single ni Pong na ang kuwento ay hango sa sarili niyang karanasan. Minsan na rin kasi siyang umibig pero iniwan ng kanyang minahal. At kahit anuman ang nangyari ay hindi raw niya ipagpapalit ang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso.

Sariling komposisyon ito ng Palawan singer na umiidolo kina Martin Nieverra, Gary Valenciano at Ogie Alcasid.

Pangarap niyang makasama sa isang concert ang tatlong magagaling na singer. Pero ultimate dream niya na maka-duet at makasamang mag-perform ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Samantala, nasa digital market na ang single niyang “Di Kita Ipagpapalit”. Puwede na itong ma-download sa Spotify, iTunes, Amazon music.