Abante Tonite Interactive

Ponga sinisi ang ICFP o PhilCycling

By
1,795

Nagkatsansa ang TP na makausap noong Huwebes, Hulyo 19 ang tatlong opisyal ng Integrate­d Cycling Fede­ration of the Philippines (ICFP) o PhilCycling.

Sila ay ang mag-amang sina secretary general Avelino Sumagui at Deputy Sec. Gen. Kamilla Sumagui, at si national women’s cycling­ team coach Cesar ‘Ponga’ Lobramonte.

Dinenay ni Ponga na siya ang salarin sa pag-atras ni top lady rider Marella Vania Salamat sa 18th Asian Games 2018 sa parating na Agosto 18-Setyembre 2 sa Jakarta at Palembang sa Indonesia.

Napuwersa ang 24-taong gulang na 2015 Singapore Southeast Asian Games gold medal winner at 2016 Tagaytay City World University Cycling Championships bronze medalist na umurong sa Asiad dahil sa pagkaubos ng leave of absence sa University of the East-Manila.

Kung liliban pa siya, babalik si Salamat sa freshman dentistry course kung saan sa kasalukuyan ay fourth year na siya.

Sinabi ko ang mga sala ni Lobramonte, na ang iba’y mula sa mga kapwa ko sporstswriter tulad ni Cebu-based Caecent Noot-Magumbol. Isang nabigkas ko ang paghahanap-buhay niya sa mga siklista sa maraming pagpapa­laro sa abroad kapalit ng mga allowance niya sa Philippine Sports Commission at sa Corratec na corporate backer ng team.

Lahat ay tinanggi ni Ponga. At ibinato ang sisi sa nangyari kay Salamat sa federation.

Si Atty. Sumagui, umamin na hindi na sumulat ang pederas­yon dahil sa pagtanggi muna ng UE sa unang liham ni Salamat. Baka mapahiya rin daw ang PhilCycling kung itatabla rin ng UE sakaling kumalatas din.

Hindi rin sinadya ng mga opisyal ng ICFP ang eskuwelahan ni Salamat at implu­wensyahan lalo’t isang kongresista sa Cavite at tagapangulo pa ng Philippine Olympi­c Committee ang pangul­o ng PhilCyclin­g na si Abraham Tolentino.

Sa akin, nabuon­g hinuha ko ang kapa­bayaan ng pederasyon sa kanilang atleta o siklista.