Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ponggay umaayuda sa mga estudyante

0 91

Wala pang tiyak na petsa kung kailan magsisimula ang 4th Premier Volleyball League (PVL) 2020, pero hindi nagsasayang ng oras ang mga team ng semi-pro women’s volleyfest, maging ang kanilang mga player.

Isa na si Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston ng Choco Mucho Flying Titans, at naglalaro rin sa Ateneo Lady Eagles sa University Athletics Association of the Philippines (UAAP) kung saan siya ang team skipper.

Abala ang 22-anyos at may taas na 5-10 na middle hitter sa pagkalap ng mga donasyon para ipantulong sa mga batang walang magamit sa kanilang pag-aaral sa pagbubukas ng mga klase sa Oktubre 5.

“Hi everyone this is Ponggay Gaston from Ateneo de Manila University, ako po’y kumakatok sa inyong mga puso para makatulong po sa mga batang walang magagamit sa pag aaral nila ngayon, kung willing kayong tumulong kahit konting halaga ay malaking tulong na po ‘yun, just pm me or comment down thank you,” post ni Gaston sa kanyang Facebook account nitong Huwebes.

Sina Gaston at Jamie Lavitoria ang dalawang bagong manlalaro ng Titans. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.