Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pons, 9 pa habol 2 Olympics slot

0 12

Pamumunuan nina 2019 PH Southeast Asian Games bronze medal winner Bernadeth Pons at Cherry Ann Rondina ang apat limang national squad na makikipagrambulan sa dalawang silya sa 2020 Tokyo Olympics sa July sa pagpalo sa FIVB Beach Volleyball-AVC Continental Cup men and women’s semifinals sa Nakhon Pathom, Thailand sa Hunyo 20-27.

Philippine National Volleyball Federation women’s team 1 sina Pons at Rondina, team 2 sina Floremel Rodriguez at Baby Love Barbon at team 3 sina Merry Rose Jauculan at Genesa Jane Elapor, men’s team 1 sina Jaron Requiinton at James Buytrago at team 2 sina Jude Garcia at Anthony Lemuel Alabastro Jr. Reserves sina Alnakran Abdilla at Philip Michael Bagalay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tanging ang mga kampeon lang sa dalawang dibisyon ang mga papasok sa Olympics sa Hulyo 23-Agosto 8. (AngeIito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.