Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pons papasabog sa Hanoi Games

0 60

BAGAMAN aminadong mahirap, nakatuon pa rin ang atensiyon ni beach volleybelle Bernadeth Pons sa gintong medalya sa paparating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ngayong Mayo.

“Talagang ang goal talaga namin is makuha ‘yung gold kaya pinili namin na mag-focus sa beach volley at iwan ‘yung indoor kase ayun ang goal namin, so everyday sa training namin ay tatrabahuhin namin para matupad ito kasi nakikita namin na malaki ang chance pero hindi siya ganoon kadaling makuha,” kuwento ni Pons na minsang pambato ng FEU Lady Tamaraws at katambal si Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina sa women’s beach volleyball event ng biennial meet

Nakasentro ang atensiyon sa tambalang binansagang “SiPons” na nagbulsa ng bronze medal sa nakalipas na 2019 SEA Games na ginanap sa bansa at nagwagi ng silver medal sa women’s elite sa katatapos lang na Asian Beach Volleyball Championship Division 1, kung saan nagwagi naman ng gintong medalya ang makakasama nila sa Hanoi meet na sina Jovelyn Gonzaga at Dij Rodriguez.

“Yung pressure naman nandiyan talaga palagi and siguro for us para makuha ‘yung goal na sinasabi namin ay kailangan pagtrabahuhan at hindi namin sasayangin ang oras, kung kaya naming matuto every day, lahat na kailangan para lang sa goal namin kakayanin namin,” pahayag naman ni Rondina.

Inilahad naman ni women’s beach volleyball head coach Paul Doloiras ang ibayong pagsasanay na isinasagawa ng koponan na nagnanais na tapusin ang pagkagutom sa gintong medalya, ngunit naniniwalang mapapalaban nang husto sa koponan ng Thailand na may 6-foot-5 na player, habang kasama ang Indonesia at host Vietnam sa mga pinaghahandaan nila.

“Pilit naming tatrabahuhin na makuha ‘yung gold medal this time. Hind kami magse-settle sa bronze kasi masyado nang maraming sinakripisyo sa isport na minahal namin kaya trabaho lang, saka pare-parehas kami ng mindset na kunin’ yung medalya,” sabi ng coach. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.