Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pons, Rondina out sa Tokyo

0 86

Tulad ng dalawang pares na national men’s beach volleyball team, sablay rin ang isa sa dalawang natira sa women’s squad na sumulong sa 32nd Summer Olympic Games Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong ng pandemya sa parating na July.

Tumaob sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Bernadeth Pons kina Alicia Zeimann at Shaunna Polley ng New sa golden match, 21-19, 10-21, 12-15 na nagbigay sa New Zealand ng 2-1 victory sa Asian Volleyball Confederation Continental Cup sa Nakhon Pathom, Thailand Biyernes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Humirit sina Rondina at Pons ng 1-1 sa pagdaig muna kina Kiwis Francesa Kirwan at Olivia McDonald, 21-12, 17-21, 15-9, bago ang pagtaob at mintis sa quadrennial sportsfest. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.