Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pons, Rondina umariba agad

0 79

TULOY sa pananalasa sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Bernadeth Pons ng Creamline 1 nang walisin agad ang unang dalawang laban sa opening day ng 6th Beach Volleyball Republic on Tour 2021 second leg sa Santa Ana, Cagayan Huwebes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kakapamayagpag lang sa first leg noong Lunes sa six-win, no-loss record, hinambalos ng ‘SiPons’ tandem sina Biogenic Alcohol bet Roma Joy Doromal at Heather Guino-o,21-14, 21-13, at sina Jackie Estoquia at DM Demontaño ng Sta. Lucia 1, 21-9, 21-11.

Pumoste naman ng 1-1 win-loss mark ang Sta. Lucia 2 nina Shiela Marie ‘Bang’ Pineda at Glaudine Troncoso, at Delimondo nina MJ Ebro at Bianca Lizares habang inalat sa tig-iisang laban ang Biogenic at Black Mamba Army 2 nina Jem Gutierrez at Audrey Paran. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.