Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pontejos, Army reyna ng WNBL

0 102

Humarabas si Janine Pontejos ng 33 points nang itarak ng Philippine Army Lady Batallion ang Cinderella finish makalipas ang 70-57 win kontra PSI Lady Air Defenders sa tiklop nitong Linggo ng 2022 Women’s National Basketball League First Conference sa Bren Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Ang miyembro ng Gilas women’s team na nag-gold medal sa 2019 PH at 2022 Vietnam Southeast Asian Games (5×5), ang nagsalba sa kanyang kampo nang mabitawan ang 13 puntos na abante upang mawalis ang karibal sa race-to-two game finals.

Si Pontejos pagkaraan ang hinirang na Finals Most Valuable Player dahil sa impresibong average na 30.5 points sa 44% shooting, 7.5 rebounds, 2.0 assists at 3.5 steals.

Kasabwat niya ang kapwa national team member na si France Mae ‘Chack’ Cabinbin na bumakas ng 14 markers, seven boards, nine feeds at two stls. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.