Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pontejos, Gilas puntirya Last 6

0 65

Itataya ni Janine Pontejos at ng Gilas Pilipinas women ang buhay at kamatayan kontra Chinese Taipei sa 29th FIBA (International Basketball Federation) Women’s Asia Cup 2021 preliminary round third game sa Prince Hamzah Hall sa Amman, Jordan Miyerkoles ng alas-7:00 nang gabi (Huwebes ng alas-12:00 nang hatinggabi sa Manila).

Nagsalpak ng 13 points at tig-i-1 rebound, assist at steal ang 28-year-old, 5-foot-5 Pinay shooting guard mula sa Manila upang pamunuan ang world No. 51 Philippine quintet na malasap ang second straight loss kontra world No. 3 Australia Miyerkoles ng madaling araw.

Ang papalarin sa dalawang team ang uusad sa knockout quarterfinals, at ang luhaan ay babagsak sa 7th-8th place consolation game. May 0-2 din ang Taiwan sa pagtaob sa Australians, 76-65, at world No. 3 China, 124-50.

Makakatuwang ni Pontejos sa pagsilat ng Nationals sa Taiwanese sina Kristine Cayabyab na naka-10 markers laban din sa Down Under, at Afril Bernardino na may 17 pts. nang matambakan din ang mga Pinay ng Chinese noong Martes, 143-52. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.