Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pontillas bagong bala ng Sta. Lucia

0 120

Asahan ang lalong paglakas ng Sta. Lucia Lady sa nalalapit na pagbubukas ng 9th Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference sa pag-anib ni volleybelle star Aiza Maizo-Pontillas.

Inanunsyo nitong Biyernes ng Lady Realtors ang paglambat sa bagong armas na makakasama n ina stalwarts Mika Aereen Reyes, Shiela Marie ‘Bang’ Pineda at Amy Ahomiro.

“We are proud and excited to welcome you into the team!” siwalat ng Realtors sa kanilang social media accounts. “Your leadership, skills, and character will be a boost to our 2021 campaigns! Let’s get it! #thisisStaLucia,” saad pa ng koponan para sa three-time PSL champion opposite hitter.”

Huling pumalo si Pontillas, 33, at 5-10 ang taas, a Petron Blaze Spikers sa 8th PSL Grand Prix 2020na pinurnada ng Coronavirus pandemic.

Ang iba pang bagong salta sa Realtors ay sina Jonah Sabete at Kai Baloaloa. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.