Abante Tonite Interactive

Poole, Paschall future ng Warriors

0 263

Maaring may ibubuga ang dalawang 2019 draft picks ng Golden State.

Sa Summer League, nakikitaan ng husay sina Jordan Poole at Eric Paschall.

For the record, 28th pick si Poole mula Michigan, 41st si Paschall mula Villanova.

Ang young players ng Warriors, parang nahihiya o walang kompiyansang tumira. Kabaligtaran nito si Poole.

Paborito ni Poole ang step-back 3-pointer na parang Stephen Curry.

Makikita siyang iikot o kakalas sa screen bago aangat sa long range.

Sakto ang laro ng 6-foot-5 guard kina Curry at Draymond Green, mukhang laging handa sa catch-and-shoot kapag nabigyan ng pagkakataon.

Si 6-7 forward Paschall, mukhang NBA-ready na. Kita agad ang impact niya kapag nasa court.

Medyo wala sa porma ang tira ni Paschall, pero epektibo. Kaya rin niyang bumantay ng multiple positions. (VE)