Abante Tonite Interactive

Pop laglag-balikat sa mga easy shot ng Spurs

358

Pinangunahan ng 23 points ni Jamal Murray ang anim na Nuggets na nagsumite ng double figures, at hinagupit ng Denver ang San Antonio Spurs, 108-90, Martes nang gabi.

Lamang na sa 73rd NBA 2018-2019 series 3-2, isang panalo na lang ang naghihiwalay sa Denver at sa una nilang playoffs victory sa nakalipas na isang dekada.

Game 6 sa Biyernes (araw sa Manila) sa San Antonio. Sa unang pagkakataon sapul noong 2012, nanalo noong weekend sa San Antonio ang Denver.

Umayuda si Paul Millsap ng 14 points sa Denver.

“They just outplayed us in every facet of the game,” bulalas ni Spurs coach Gregg Popovich. “We missed a lot of chippies in the first half. It could have been a much more even game in the first half. We missed a lot at the rim.” (VE)