Abante Tonite
Mabilis sa Balita

POPCOM: P549 sahod hindi makabubuhay ng pamilya

0 64

Hindi sapat na bumuhay ng pamilya ang kumikita lamang ng minimum wage.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Commission on Population and Development Undersecretary Juan Antonio Perez III kaugnay sa mga sumasahod ng P549 kada araw na mga mangaggawa.

Ayon kay Perez, kung dalawa ang anak, dapat parehong may trabaho ang mag-asawa para matugunan ang pangangailangan ng pamilya.

Ito aniya ay para sa mga manggagawang nasa National Capital Region batay sa itinakdang pamantayan ng Philippine Statistics Authority na P12,000 kada buwan o katumbas ng P549 kada araw.

“Kailangan sa NCR iyong mag-asawa ang nagtatrabaho because the income is just enough for one person to be sustained and isang anak. So kung dalawa ang anak mo, dalawa kayo dapat na nagtatrabaho para sa sarili mo at saka anak mo. So in places like NCR, you have to have two jobs,” ani Perez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Para sa mga manggagawa sa labas ng NCR, sinabi ni Perez na mas kailangang mag-doble sipag dahil mas mababa ang minimum wage kaya dapat hanggang tatlo ang trabaho upang mabuhay ang pamilya.

“Outside NCR, you need to have around three jobs based on the minimum wage. So mababa masyado iyong nasasagot ng minimum wage para sa needs ng Filipino family,” dagdag ni Perez.

Dahil dito iminungkahi aniya nila sa POPCOM Board na pag-isipan ang pagkakaroon ng tinatawag na “living wage” para matugunan ang problema ng maraming Pilipino.

Umaasa si Perez na mapagtutuunan ito ng bagong administrasyon para maging maayos ang sitwasyon ng maraming mahihirap na pamilyang Pilipino.

“We hope na ma-take up iyan sa coming administration. Ang tawag naming dito ay support ratio–that means na ae should have as many effective workers as consumers para medyo maging maayos ang situation ng families,” wika ni Perez.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.