Abante Tonite Interactive

Popcon method?

258

Joel Reyes Zobel

Base sa pag-aaral ng mga grupo ng nephrologists, ang mga doktor sa bato, 12% taon-taon ang itinataas ng mga kaso ng dialysis patients. Isa sa mga pangunahing dahilan ay ang diet ng mga Pilipino lalo na ng mga mahihirap.

Magpunta kayo minsan sa mga public dialysis center, makikita ninyo kung gaano kahaba ang pila ng mga pas­yente na hindi kayang magbayad ng dialysis at umaasa lamang sa libre. Ang pinakamurangP3,000. Sa isang linggo, dalawang beses ka kilangan sumailalim sa dialysis. Tinipid mo na ‘yun.

Related Posts

Taon-taon tataas pa ang bilang nito dahil sa hirap ng buhay at mahal ng bilihin lalo na ng pagkain.

Sabi ng NEDA, bumaba ang insidente ng kahirapan sa bansa. Ang ginamit nilang panukatan ay ang PSA report na kapag ang isang pamilya ng lima ay kumikita ng P10,481 sa isang buwan, hindi sila kabilang sa pinakamahihirap sa Pilipinas. Kung umuupa ka ng bahay, nagbabayad ka ng bills, nagpapaaral ka ng tatlong anak, bumibili ka ng pagkain, namamasahe sa trabaho, pakisabi nga po sa akin, paano mo mapagkakasya ‘yan P10,481 para makapamuhay ng maayos? Puwede mo siguro ‘yan pagkasyahin kung ikaw ay kakain lamang ng dalawang noodles na P7.50 ang isang balot, sasabawan mo, dadag­dagan mo ng asin para magkalasa, at isang kilong NFA rice na 27/kilo lamang ang kakainin ninyo sa buong maghapon. Mapagkakasya pero hirap pa. Wala kang access sa masustansiyang pagkain sa ganyang kaliit na budget. No wonder ang daming Pilipino ang nagkakaalta presyon at nagkakasakit sa bato. Kung ganyan ang panukat ng gobyerno, marapat lang na dagdagan ninyo ang budget sa pampublikong kalusugan dahil dadami ang dialysis patients taon-taon.
Ibang problema sa Bato ang sinusugpo, hindi pa manalo-nalo.

Sa pagtaas ng mga bilihin hindi lang dahil sa panahon gaya ng El Niño, kundi dahil din sa mga ipinapatupad na panuntunan ng gobyerno lalo na sa mga dinagdag na buwis, asahan ninyo na maraming mga Pilipinong magkakasakit. Ang maliwanag lang na nakikita natin ngayon, ang mga mayayaman ay lalong yumayaman, ang mga mahihirap ay lalong naghihirap.

Dahil sa mga panuntunang pang-ekonomiya na mapaniil lalo na sa mga mahihirap, at ang patuloy na paglalabas ng datos na malayo sa katotohanan, asahan ang paglala ng problema sa kahirapan. Ang mga panuntunang ito ay walang kapag-a-pag-asang maresolba ang problema ng kahirapan. Ang ginagawa lamang ng mga panuntunang ito ay resolbahin ang problema sa paglobo ng populasyon. Baka naman population control method ito ng gobyerno na hindi lamang natin batid?