Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pope binasbasan si Maradona

0 92

Pinanalangin at inaalala ni Pope Francis ang pagpanaw ng football legend na si Diego Maradona ng Argentina nitong Miyerkoles.

Nasawi ang 60-anyos na isa GOAT ng sport sa atake sa puso. Kababayan at isa siya sa mga idolo sa sport ng Santo Papa. Nakiramay rin maging sina football stars Cristiano Ronaldo, Pele, Leonel Messi at Neymar, Jamaican Olympian sprinter Usain Bolt at NBA legend Earvin Magic Johnson.

Nagmarkang atleta sa kasaysayan ng soccer, sumailalim muna ito sa operasyon dahil sa namuong dugo [blood clot] sa kanyang utak si Maradona.

Kinilala ang husay niya nang mag-team captain ito ng Argentina Football Club at kanilang masungkit ang 1986 FIFA World Cup. Nakapagtala ng 34 goals sa 91 games at nakaapat na World Cup. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.