Abante Tonite Interactive

Pope Francis bibisita sa Thailand, Japan

158

Bibisitahin ni Pope Francis ang bansang Thailand sa Nobyembre sa kanyang trip sa Asya kung saan dadalaw din siya ang mga lungsod ng Hiroshima at Nagasaki sa Japan kung saan bumagsak at sumabog ng atomic bomb noong 1945.

Apat na dekada na ang lumipas nang unang bisitahin isang Santo Papa ang Thailand at Japan, kapwa Buddhist–majorty na mga bansa.

Taong 1981 nang dalawin ng yumaong Pope John Paul II ang Japan kung saan Shinto at Buddhism ang pangunahing relihiyon. Pagkaraan ng tatlong taon ay binisita naman niya ang Thailand kung saan nakipagkita siya kay King Rama IX at Queen Mother.

Si Pope Francis ay nasa Thailand sa Nobyembre 20-23, at Japan sa Nobyembre 26, ayon sa Vatican.