Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pope Francis binigyan ng misyon si Tagle

0 13

Itinalaga ni Pope Francis nitong Miyerkoles si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang bagong miyembro ng isang kongregasyon ng Vatican.

Ayon sa ulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Huwebes, hinirang ng Santo Papa si Cardinal Tagle bilang miyembro ng Congregation of the Eastern Churches.

SM food to go Banner Ad

Ito na ang pangatlong puwesto ni Cardinal Tagle sa Vatican.

Nauna nang itinalaga si Cardinal Tagle bilang miyembro ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue at Administration of the Patrimony of the Apostolic See mula nang dumating ito sa Vativan noong Pebrero 2020.

Leave A Reply

Your email address will not be published.