Abante Tonite Interactive

Pope Francis, mga Pinoy sasalubong sa Simbang Gabi

240

Ipagdiriwang ni Pope Francis sa unang pagkakataon ang pagsalubong sa Simbang Gabi na magsisimula sa Dis­yembre 15 sa pamamagitan ng isang misa para sa mga Pilipino sa Rome.

Bagama’t ilang beses na umanong nagkaroon ng misa para sa mga Pilipino sa Rome, ang selebrasyon sa Dis­yembre 15 ay unang pagkakataon na mismong ang Santo Papa ang mangunguna.

Gaganapin ang misa ni Pope Francis alas-4:30 nang hapon (10:30 nang gabi sa Pilipinas), na gagawin sa basilica at inaasahang dadaluhan din ng mga opisyal ng Pilipinas katulad nina Philippine Ambassador to the Holy See Grace Relucio-Princesa at Phi­lippine Ambassador to Italy Domingo Nolasco.

“This is the fourth year that we celebrate it in the basilica but for the first time that the Pope will be the one to preside,” sabi ni Sca­labrinian Fr. Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Rome sa artikulo nito na nilagay sa news website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Pero limitado lang aniya sa 7,500 katao ang puwedeng dumalo sa misa ng Santo Papa sa Disyembre 15.

Ayon kay Gente, libo-libong Pilipino ang humiling na makapasok pero hindi puwedeng lumampas sa bilang ng sitting capacity ng basilica ang mga dadalo sa misa. (PNA)