Abante Tonite Interactive

‘Pops Fernandez’ timbog sa shabu

By
3,196

Naaresto ng mga pulis ang isang kapangalan ng concert queen na si Pops Fernandez matapos kumagat sa buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Bandang alas-10:00 ng gabi nang dakmain ng mga operatiba ang suspek na si Pops Fernandez y Barros alyas ‘Cherry’, 32-anyos at residente ng No. 355 Fontanilla Compound, Brgy. Pinagbuhatan sa nasabing lungsod.

Ayon sa report, nakipagtransaksyon umano ang isang pulis na umaktong buyer at nakabili ng shabu kay Fernandez.

Nang magkaabutan ng item at pera ay doon na dinakma ito.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu at nabawi rin ang P200 na ginamit sa buy-bust.