Abante Tonite Interactive

Pops, Forever 28

By
10

Excited ang Viber group namin nina Allan Diones, Ms. Malou Choa-Fagar, Joy Alonzo (Martin Nievera’s manager), Daddie Wowie Roxas (former manager of actor turned politician Isko Moreno), Albert Sunga (forever Noranian) at Anna Pingol (YES! Associate editor) para sa pre-Christmas dinner namin bukas sa bahay ni Pops Fernandez.

Si Pops kasi mismo ang nagluluto ng mga inihahanda niya kapag nagdi-dinner kami sa bahay niya.

Hindi lang maga­ling na singer, TV host at businesswoman si Pops, magaling din s­iyang magluto, huh!

Tuwing bumibisita rin kami sa bahay niya, parami nang parami ang dishes na natututunan niyang lutuhin!

Maraming imbentong dishes si Pops na yummylicious!

Birthday ni Pops sa Disyembre 12, pero hindi na namin babanggitin ang kanyang edad dahil palagi naman siyang binibiro na mukha lang siyang 28, huh!

***

IN the past years, kapag ganitong magme-Metro Manila Film Festival na, aligaga na kami sa pagpa-follow up ng Season’s Pass na madalas na ipinamimigay ng veteran writer na si Mr. Ronald Constantino na tumutulong sa publicity ng nasabing filmfest.

Napakaraming nag­lalambing sa amin ng Season’s Pass taun-taon. Ang ibang mga kaibigan namin, ‘yon ang request na iregalo namin sa kanila.

Ngayong MMFF 2016, nabunutan kami ng tinik.
Halos walang na­ngungulit sa amin ng Season’s Pass!

May isang kaibigan lang kami na nag-request ng Season’s Pass dahil gusto niyang panoorin ang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros.

Iyung mga suki namin noon sa Season’s Pass, DEDMA sa MMFF 2016.

***

Sa Enero 8, 2017 na ang showing ng Mang Kepweng Returns ni Vhong Navarro.
Hindi na ihahabol sa Disyembre 7 ang pelikula.

Isa sa mga initsa-pwera sa MMFF 2016 ang nabanggit na pelikula.

Dahil araw-araw sa It’s Showtime si Vhong, mapo-promote na mabuti ang Mang K­epweng Returns.

Ayon sa publicist ng pelikula na si Aster Amoyo, hindi nila itinuloy ang unang plano nila na Disyembre 7 ipalabas ang Mang Kepweng Returns dahil gusto nilang mas ma-promote ang pelikula.