Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pops ‘inggit’ kina Derek, Ellen

0 54

Isa ang Concert Queen na si Pops Fernandez ang invited sa bonggang wedding nina Derek Ramsay at Ellen Adarna

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Pops ang kanyang paghahanda the day before the wedding.

Sa araw ng kasal, ang singer-actress mismo ang nag-make up sa kanyang sarili.

Kinarir din niya ang paglalakad nang naka-gown sa bundok na venue ng kasal.

Sinalubong din siya ni Derek at nakipag-picture taking kasama ang ibang mga kaibigan ng aktor.

Ipinasilip din ni Pops ang mga kaganapan sa kasal pati na ang accommodation sa kanila sa naturang lugar.

Marami ang bumilib kay Pops na despite the years ng pagkakaroon nito ng dalawang anak na lalake ay napanatili nito ang kanyang fountain of youth.

May ilang mosang ang nang-uurot na marahil ay in love ang singer.

May humirit namang for sure raw ay inggit si Pops sa bride na si Ellen.

May mga marites ding nang-iintriga kung kailan daw kaya pakakasal ang singer pagkatapos ng annulment nito sa ex na si Martin Nievera noong 1999.

Paul nagmukhang sugar daddy

Naging panauhin ni Donnalyn Bartolome ang Kapuso aktor na si Paul Salas sa kanyang vlog.

Sa kanilang tsikahan, naibahagi ni Paul na sobrang crush niya si Donna noon.

Kahit noong wala pa raw sa Pilipinas si Donna ay sinusubaybayan na niya ito.

Katunayan, nagse-send pa raw siya ng Twitter messages sa actress para magpapansin.

Naging close raw sila ni Donna nang magsama sila sa pelikulang Happy Breakup noong 2017.

Naikuwento naman ni Donna na pinagselosan siya ng ex nitong si Dex noon.

Sey naman ni Paul, pinagselosan din daw ng dating nobya niya si Donna dahil madalas silang magpalitan ng mga mensahe noon.

Gayunpaman, nilinaw niya na ang exchange of messages daw nila noon ay tungkol sa trabaho dahil pareho na silang may dyowa noon.

Nag-fill in the blanks naman ang mga marites na ang tinutukoy ni Paul na nagselos at napraning sa vlogger ay ang ex nitong si Barbie Imperial.

Natanong din ni Donna si Paul kung naging sugar daddy na raw ba ang aktor sa kanyang mga nakarelasyon.

Hindi naman ikinaila ni Paul na parang nag-ala sugar daddy daw siya sa isang ex noon.

Ibinili raw niya ito ng mamahaling regalo.

Gayunpaman, no regrets daw naman siya dahil ganoon daw siya katodo kapag nagmahal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.