Abante Tonite Interactive

Pops kinalat na ex si Alden

2,540

Nababaitan si Ms. Pops Fernandez kay Alden Richards.

Matagal na niyang na-meet si Alden dahil common friend nila ang mayora ng Sta. Rosa, Laguna.

Eversince daw ay napakasimple ni Alden, very humble at hanggang ngayon daw ay hindi ito nagbago.

“I think that’s why he’s so blessed,” pakli ni Pipay.

Hindi ba siya nabati ni Alden na tila kamukha niya si Maine Mendoza, gaya ng madalas sabihin ng iba?

“Wala pa naman siyang sinasabi, pero kinakalat ko na ex ko siya (Alden). Kinakalat ko lang ‘yon. Ha! Ha! Ha! Joke lang ‘yon, ah?” tawa ng original Concert Queen.

Kasama si Ms. Pops bilang isa sa judges sa bagong show ni Alden na musical competition for kids.

7 pusa nina Jennylyn-Dennis pampawala ng stress

Sobrang cute ng bagong bukas na business ng mag-sweetheart na Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Cat café ito sa Maginhawa Street sa QC na ang tawag ay Litterbucks.

Akala namin ay cute dog lang meron ang JenDen, ‘yun pala ay meron din silang pitong pusa na makikita sa nasabing café.

Nakakatuwa ang Litterbucks na may lugar talaga para sa cats na gustong umakyat sa wall, maglambitin o tumambay lang at mag-chill.

Ang mga pupunta rito ay puwedeng i-cuddle at laruin ang mga pusa nina Jen habang nagkakape, nagtsatsaa o kumakain ng cookies.

Pero may sinusunod na rules pala rito gaya ng sampung tao lang ang puwede sa loob kada oras, hindi puwedeng pilitin ang mga pusa na makipaglaro at bawal ang sapatos pero dapat nakamedyas.

Pampaalis daw ng stress ng JenDen ang mga alaga nilang pusa. Kung hindi kami nagkakamali ay second business venture na nila ito after ng cookies business ni Jen.

Ang isa pang collab ng magsyota ay ang CoLove channel nila sa YouTube, na ngayon ay magkakaroon na ng concert version.

Soldout na raw ang tickets sa “CoLove Live” sa New Frontier Theater sa February 15.

Juancho, Joyce kasal na

Kahapon nang hapon naganap ang kasal ni Juancho Trivino kay Joyce Pring sa Sofitel Philippine Plaza.

Ang ganda ng sunset sa Manila Bay habang naglalakad ang bride sa damuhan. Cry galore si Juancho pagkakita sa kanyang bride.

Kumpleto ang mga kasamahan ni Juancho sa kanyang afternoon soap, sa pangunguna ng gumaganap na ina niya na si Gladys Reyes.

Bago ang seremonyas ay ininterbyu pa ni Gladys ang kanyang ‘anak’na pogi.

Parehong 27-anyos sina Juancho at Joyce, na magkasama sa early morning show ng Siyete kaya imbitado rin ang mga kasamahan nila rito.

Isa sa principal sponsors sa #PringHomeTheJuan wedding ay si Dra. Vicki Belo, na paboritong ninang sa kasal ng mga taga-showbiz.

“I’m a fan of #juanchoyce 02.09.20” ang nakasulat sa giveway na pamaypay, base sa IG story ng isa sa groomsmen na si Jeric Gonzales.

Congrats and best wishes, Juancho & Joyce!