Abante Tonite Interactive

Pops namatayan ng ‘baby’

By
6,715

Dog lover ang original Concert Queen na si Pops Fernandez, kaya naman sobrang ­na-sad siya sa pagkamatay ng chihuahua niyang si Kirra. Pati nga ang ex-husband ni Pops na si Martin Nievera ay nag-condolence sa kanya dahil sa pagkamatay ng kanyang chihuahua.

Bale 16 years din pala kay Pops si Kirra, kaya natural lang na sobrang sakit sa singer/producer ang pagkamatay ng kanyang dog. Pero buti na lang at last year ay nadagdagan ang dogs ni Pops.

May Pomeranian na siya na ang pangalan ay Khaleesi na ginawan pa niya ng sariling Instagram account (@khalessi.thepom). Buti na lang at may Khaleesi na si Pops dahil kahit paano at naaaliw-aliw pa rin siya.

Ang cute nga dahil nilalag­yan pa niya ng ribbon si Khaleesi, huh!