Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pops nawindang nang maospital ang anak

0 575

Ibinahagi ni Pops Fernandez sa kanyang Instagram page ang pagkakasakit ng anak nila ni Martin Nievera na si Ram Nievera. Of course, bilang isang magulang ay talaga namang labis na nag-aalala ang singer/producer.

Nag-post si Pops ng larawan nilang mag-anak kung saan ay makikitang nasa hospital silang apat at si Ram ay nakahiga sa hospital bed.

Kwento ni Pops, naospital daw ang bunsong anak last week at talaga namang iniyakan niya at sobrang ipinagdasal. Pero sinabi rin niya na recovering na raw si Ram kaya kahit paano ay naibsan na ang kanyang pag-aalala.

“Something unexpected happened to Ram last week. We had a scare. He was brought to the hospital and tests were done. We worried, we cried and we prayed… a lot!

“I am posting cause Ram is recovering very well. We thank our family and friends who have prayed for Ram, and are continuously praying for him. We are so grateful and relieved.

“It is true, Health is wealth. And family , no matter what our situation is, is important , specially during times like these. Prayers are powerful.
God is good,” ang saad ni Pops.

At ang good news, kahapon sa latest post ni Pops, pauwi na raw sila sila ni Ram mula sa ospital at magaling na ang anak.

“Going home.. God is good 🙏🏻 thank you to all the doctors and nurses at the ER and CCU in St Lukes BGC,” bahagi ng post ni Pops.

Hindi na sinabi pa ng singer kung ano ang naging sakit ni Ram pero anuman ‘yun, ang importante ay magaling na ito ngayon.

SM food to go Banner Ad

Heart bansot sa Miss U

Inamin ni Heart Evangelista na gusto niya ring sumali siyempre sa Miss Universe pageant at maging representative ng ating bansa.

“I would love to do something like that,” aniya sa kanyahg latest Instagram Live, “to represent my country on a bigger platform with all these lovely ladies who inspire each other and can inspire the world and all the women watching.”

But the thing is, hindi raw siya pasado sa requirements. Sey niya, “but at this point, I really feel that the requirements are just not for me. Meaning, I am 5’2”.”

Pagbibiro pa niya, kung sasali raw siya, baka raw umupo na lang siya parati.

“Kung nakaupo lang kami, kasama ko do’n,” nakangiti niyang sabi.

Anyway, nagbigay rin ng update si Heart sa kanyang mga latest plans at syempre, kasama rito ang kanyang bagong teleserye sa GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon. Aalis din daw siya papuntang New York City bandang Agosto.

“I am actually scheduled to leave for New York City, I think around August, in between my soap tapings. I’m also going to LA (Los Angeles), so I’m very, very excited, a little anxious but excited because of the work,” sey niya.

May shoot daw siyang gagawin doon for a specific brand at sey niya, “it’s going to be something huge that you’ll see on Times Square.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.