Abante Tonite Interactive

Pops nayabangan kay Martin

801

Gusto kong pasalamatan ang Concert Queen-turned concert and movie producer na si Pops Fernandez.

Naisingit niya sa kanyang tight schedule ang aming panayam para sa aming online show dito sa Abante Tonite, ang “Celebrity Talk”.

Si Pops ang buena manong special guest sa aming “Celebrity Talk” program na magsisimula bukas, July 15 (Lunes) from 12 noon hanggang 1 p.m. and every Monday thereafter.

Pops was barely sixteen years old nang lumagda siya ng recording contract with OctoArts International, ang record outfit ni Boss Orly Ilacad. Ang ninong ni Pops na si Senate President Tito Sotto ang nagpakilala at nagdala sa kanya kay Boss Orly in 1981. Si Tito Sen din ang nag-produce ng first single ni Pops na pinamagatang “Dito”.

Ako man mismo ay hindi gaanong na-impress sa una naming pagkikita noon ni Pops. Siya ay si Maria Cielito Lukban Fernandez sa tunay na buhay, panganay sa dalawang anak ng dating aktres na si Dulce Santos Lukban at ang namayapang action star na si Eddie ‘Palos’ Fernandez.

Morena, simple at napakamahiyain ang Pops Fernandez na una naming nakilala sa tahanan ng mga Ilacad sa North Greenhills in San Juan. Nabigla lamang kami nang kaunti nang aming malaman na ito’y nag-aaral sa International School.

Since I was connected then sa OctoArts International and eventually, OctoArts Films, kailangan ko nang i-program ang mga radio-TV and mall show guestings ni Pops to promote her debut single na “Dito”. I remember telling her na hindi siya puwedeng hihiya-hiya sa mga interviews sa kanyang on TV at sa radio at tumango lamang ito.

Her first TV guest appea-rance happened on “Eat Bulaga” for obvious reasons. Ang kanyang discoverer-mentor na si Tito Sen ay isa sa mga host ng noontime show. Doon unang ni-launch ang single ni Pops na ginawan ng music video directed by Bert de Leon. Kinunan ito sa Nasugbu, Batangas na sarong ang kanyang sagot.

During the interview, na-bigla ang lahat nang magsimula nang magsalita si Pops. Marami ang nagkagusto sa kanya lalo na kapag ngumingiti dahil lumalabas ang kanyang malalalim na dimples.

When she guested on “Penthouse Live,” guest din noon at baguhan ding si Martin Nievera. Kabaliktaran ni Pops, sobrang madaldal si Martin and the following week, pinabalik si Pops sa “Penthouse Live” which was more like a dance show than musical.

Little did Pops know na plano na palang isalang sina Pops at Martin for a temporary guesting bilang mga bagong hosts ng programa. Hindi ikinakaila ni Pops na sa simula ay nayabangan siya kay Martin. Dahil na rin sa pagiging laki nito sa Amerika, Inglisero at sobrang madaldal habang si Pops ay kabaliktaran niya.

Sa “Penthouse Live” nagsimula ang closeness at pagkakaibigan nina Pops at Martin hanggang sa ito’y mauwi sa kanilang pagiging magkasintahan at sa kanilang pagpapakasal nu’ng June 28, 1986. 20 noon si Pops at 25 naman si Martin.

Jampacked parati ang kanilang mga major concerts both individually at magkasama sa malalaking venues tulad ng Folk Arts Theater, ULTRA, Araneta Coliseum at maging ang Rizal Stadium ay pinuno noon ni Pops kung saan nagkaroon ng pandemonium.

Dahil dito, ang nasirang Queen of Intrigues na si Inday Badiday (Lourdes Jimenez-Carvajal) ang nagbansag kay Pops ng Concert Queen na dala-dala nito hanggang ngayon.

“Sobra akong na-pressure,” ani Pops.

Samantala, after almost 13 years of being a couple na biniyayaan sila ng dalawang anak (Robin at Ram). Nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama dahil sa third party sa part ni Martin. It was not a good break-up and it took sometime bago muli naging magkaibigan ang dating mag-asawa.

Discover more about Pops sa “Celebrity Talk” online show on Abante Tonite bukas (Monday) ng 12 noon to 1 pm.