Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pops pumiyok sa hiwalayang Derek, Andrea

0 2,791

Nagsalita na si Pops Fernandez tungkol sa isyung siya ang third party sa break-up nina Derek Ramsay and Andrea Torres. Sa zoom mediacon kahapon ng 2 new shows ng Cignal TV, ang “Exes and Whys” na reunion show nila ng ex-husband na si Martin Nievera and “Louie O Live with Robin Nievera,” isa ito sa naitanong sa Concert Queen at nagbigay naman agad siya ng pahayag.

“It’s absolutely not true,” ang diretsong sagot ni Pops. “I just don’t wanna talk about it because I felt that Derek and Andrea are not really taking about it, ang weird naman na ako ‘yung magsasalita.”

Patuloy niya, “hindi po siya totoo. How it started, hindi ko rin po alam. Basta all of a sudden, ang dami-dami na lang lumabas at hindi ko alam na ang dami na palang usap-usapan.

“As a matter of fact, ang dami ko pang nakukuhang mga messages from some of my friends in the US, in Europe and tinatanong nga po nila kung totoo, hindi po totoo.”

Ang masakit daw dito ay maraming naniwala agad sa tsismis at hindi muna raw inalam ang katotohanan.

“Unfortunately, ang masakit do’n, eh, ang dali palang maniwala ng mga tao ngayon. I mean, once it’s posted, I think, on YouTube and sunod-sunod na. No one really bothered to find out the truth about it.”

Ilang beses lang daw niya nakita si Derek and during those times ay kasama raw nito si Andrea.

“We don’t talk to each other, we don’t really text each other,” she said.

SM food to go Banner Ad

Pero aminado siyang ang madalas niyang i-meet ay ang nanay ni Derek but for another reason and another purpose naman daw.

Nasa zoomcon din ang manager nina Derek and Pops na si Jojie Dingcong at nagpaliwanag din na marahil, dahil nga iisa ang manager ng dalawa kaya nagkaroon din ng ganitong issue.

‘Kaaliw naman ang hirit na panawagan ni Martin kay Derek.

“When you see Derek, can you please tell him as message from me, please return all those cars you got from me. My garage is empty, he gets the car, he never returns it,” pagbibiro ni Martin.

Sa huli, ani Pops and Martin, Derek and Andrea are both very nice at sey ni Concert Queen, siya pa ang nahihiya bakit siya nasali sa kwento.

“Nakakahiya po dahil hindi po totoo,” ani Pops.

Samantala, excited and happy sina Pops and Martin na finally ay magkakasama ulit sila sa isang TV show after The Penthouse Live some 3 decades ago. And what’s interesting, ang magdidirek nito ay ang panganay nilang anak na si Robin Nievera. Mapapanood na ang Exes and Whys ngayong Dec. 19 (Saturday).

Magsasama naman sa unang pagkakataon sina Robin and music icon Louie Ocampo sa Louie O Live with Robin Nievera na isang musical show. Magsisimula naman ito on Dec. 20, Sunday.

Both will be airing at 9:00 PM on their respective dates on Colours, available exclusively on Cignal TV CH. 202 HD and CH. 60 SD.

Leave A Reply

Your email address will not be published.